aamin ba ko or hindi?

hihingi lang sana ako ng advice kasi parang gusto ko nang umamin sa crush ko, ngek.

a bit of a background: isang taon ko na siyang nagugustuhan, pero nung october lang kami naging close dahil binigyan ko siya ng letter. hindi ko talaga siya nakakausap noon kasi nahihiya ako sa kanya huhu pero alam ng mga kaibigan niya na may gusto ako sa kanya (hindi ko lang alam kung alam niya rin). balak ko sanang umamin sa kanya nang klaro ngayong Christmas😵‍💫 plano ko siyang regaluhan ng song analysis ng station ID namin for our school (ako kasi nagsulat haha) kasi siya talaga yung naging inspiration ko for the song, literal na dedicated sa kanya wahaha. ever since kasi nung binigyan ko siya ng letter nung october naging iba na talaga yung trato niya sa akin as if lowkey concerned siya parati sakin huhu napapansin na din yun nung mga kaibigan namin. ayaw ko na mag-dwell sa mga what if's at maybe's, kaya napagisipan ko nang umamin, pero kinakabahan ako kasi baka mailang siya sa akin once malaman niya yung nararamdaman ko😔

badly need advice kung dapat ba akong umamin or not, kung oo, itutuloy ko ba yung plano na regaluhan siya ng song analysis?🥹 pls let me know thank youuu and advance merry christmas na din!